Cute lang ang “Despicable Me” pero wala naman talaga siyang cinematic value. Pero kelangan ba talaga ang cinematic value kung naghahanap ka lang naman ng entertainment? Siguro nga hindi pero hindi ba’t mas masarap manood ng pelikula na bukod sa nasiyahan ka na eh meron pa itong naidulot sa ‘yo bukod sa entertainment? Tsaka hindi lahat ng manonood ay entertainment lang ang habol.
So ayun, cute ang mga bata at lovable si GRU pero mukha namang walang kuwenta ang pelikula. Para lang akong nagsayang ng Php170.00. Ang mahal pa naman ng sine ngayon. Siguro next time, kelangan ko na talagang maging mapili sa mga palabas na papanoorin ko.
Pero gusto ko ‘yung mga robot na alila ni GRU. Cute sila.