Nagpanting ang tenga ko nang mabasa ko ang komento sa shoutbox ng blog ko. Poseur daw ang blog ko. Ilang minuto rin akong hindi naka-imik. “ang poseur lang ng blog. kala sigur, pandisplay lang ang cultural capital. feeling cool. wala namang laman.” Pinag-isipan ko kung bakit nasabi ng nag-iwan ng komento ang masakit na paratang na iyon. Ano ang ibig niyang sabihin ng “pandisplay lang ang cultural capital”? Nakakatawang isipin na puwede kang maapektuhan nang bonggang-bongga sa isang anonymous na komento. Baka isang kakilala lang na nangti-trip. Hindi rin. Sabi ng kaibigan ko, inggit lang daw ‘yun. Or iba lang ang depinisyon niya ng laman. Baka naghahanap lang ng academe-type of depth. Nag-e-expect ng -isms. Baka nga. Siguro.
Ako naman itong mahina ang EQ na kaagad na nagmuni-muni. Talaga bang poseur itong blog ko? Sabi sa dictionary.com, “poseur” refers to “a person who habitually pretends to be something he is not.” Ano naman ang pini-pretend ko? Eh talaga namang gusto ko ang mga pelikulang naka-plaster sa blog page ko. Eh yung mga post ko naman, rebyu lang ng mga dula, libro at pelikulang nabasa ko. At iyong ibang entries ay updates at announcements ng mga art scenes sa Maynila, para na rin sa sarili kong reperensya. Ganito naman ang pakahulugan ng ‘poseur’ sa wikipedia – “a person who adopts the dress, speech, and/or mannerisms of a group or subculture, generally for attaining acceptability within the group, yet who is deemed to not share or understand the values or philosophy of the subculture.”
Wala naman ang akong ina-adopt na kahit ano. Personal na rebyu ko lang naman ang mga naka-post rito. Ni hindi rin ako nakikiusap sa ibang blog na i-link itong blog ko sa blog nila. At hindi ko intensyon na makisali sa anumang grupo. Mahilig akong manood ng teatro, at hangga’t may pagkakataon, iniimbitahan ko ang mga kakilala ko na manood. Kahit papaano’y may alam rin ako sa kultura dahil ito ang undergrad ko sa UP.
Bakit ko ba ito ginagawa? Bakit ko kailangang i-explain ang sarili ko sa isang duwag na komentong walang balls na ipakilala ang identity niya? Patuloy akong magsusulat ng mga rebyu ng dulang napanood ko dahil gusto kong gawin ito. Tama ang kaibigan ko, minsan talaga di nating maiwasan na malubog sa trip ng iba. Pero ang dapat lang isaisip, yung trip ba ng iba trip mo talaga in the first place, o nakikitrip ka lang. Ke trip ba nila o hindi, trip mo pa rin ba? Self-identity lang siguro.
Trip kong gawin ito, at malaya kong magagawa at gawin ang gusto ko.
tuloy lang sa pagsulat kung anuman ang trip mo.