h1

Quotable Quote

November 16, 2006

Nang makita ko ‘tong quote na ‘to sa Bookstore ni National Artist for Literature F. Sionil Jose, ang Solidaridad sa Padre Faura, agad kong kinuha ang cell phone ko at kinopya habang tinatanong ko ang nagbabantay sa tindahan kung kelan sila ulit magkakaroon ng kopya ng librong hinahanap ko.

“Immature artists imitate. Mature artists steal.” –  Erskine Caldwell

Kaninang umaga, pinorward ko iyon sa mga kaibigan ko. Si KG ang unang nagreply.

KG: “Baka amateur vs. professional. Hehehe.”

Ako: “Gud point. Sa palagay mu mature na ung nakaisip nun nang marealize nya un? Baka mas favored nya ung mga immature kc mdyo innocent pa ang pananaw nila. Ewan. (smiling face.)

KG: “Sbi nga s Gone With The Wind: Frankly my dear, I don’t give a damn. Hah! Ngmamaganda lng yn, kunwari my cnasabi ciang quoatable quote. “

Ako: “Hmm, weird. Sa Solidaridad ko nbasa ang quote na yan. Kng hndi c F. Sionil ang nagpaskil nun, yung katulong kaya nila? Hehe.”

KG: “It dsnt matter who posted it, or who wrote it. Kebs lng ako jan, sori. Idol mo  c sir frank?”

Siguro nga, kanya-kanyang lang talagang opinyon yun, kagaya ng sabi ni Anna na gusto ang quote.

One comment



Leave a Comment