h1

Pelikula+Libro

November 11, 2006

Isa lang talaga ang balak kong gawin kanina, ang manood ng Breakfast on Pluto sa Shangrila Cineplex bilang bahagi ng 2007 Cine Europa. Pagkakuha ng tiket, nagpunta muna ako sa Powerbooks para tingnan kung meron na silang kopya ng Likhaan Book for Plays. Wala pa raw silang kopya. Sa pagba-browse ko sa Filipiniana section, may nakita akong “parang” magandang libro. Sabi nila “Don’t judge the book by its cover” daw, pero hindi ko ito sinusunod. Mas maganda yung pabalat, mas appealing sa kin. Dagdag points. Parang ganda points.

Ang title ng librong naibigan ko, “Kuwentong Tambay: Mga Kuwento ng Isang Sira-Ulong Overseas Filipino Worker.” Kasing laki lang siya ng Paboritong Libro ni Hudas. Maka-Cory ang kulay. Ang ganda ng packaging. Merong mensahe ni Manuel L. Quezon III, ang manunulat na sumagot sa anti-homosexuality article ni Isagani Cruz sa Inquirer.

Medyo bastos. Nakakatawa siya. Nakakaaliw. Nakakagulat, at minsan, siyempre naman, nakakahanga. Sa mga pahinang ito ay makikita at mababasa natin ang isang totoong Juan de la Cruz na minsa’y tamad, minsa’y punon ng mga dalisay na damadamin at paminsan-minsan din ay dinidemonyo at dumadaing.”

Siguro puwedeng ikumpara ang libro sa mga gawa ni Bob Ong. Hindi muna ako magdya-judge. Tsaka na lang kapag natapos ko ng basahin.

Hindi ko natapos ang panonood ng Breakfast… kasi late na nag-umpisa at me pasok pa ko bandang alas onse. Pero babalik ako sa Miyerkules para sa buong araw na panonood.

4 comments

  1. maraming salamat sa pag feature mo sa libro ko bossing. sana bukod sa cover at packaging at nagustuhan mo rin ang content.

    ingat at maligayang pasko.
    jay


  2. Uy, batjay, nagustuhan ko ang libro mo. Tawa ako ng tawa habang binabasa ko iyon. salamat at iniwan mo ang iyong web site.


  3. penis enlargement device

    penis enlargement device penis enlargement device best penis enlargement device


  4. penis enlargement cream

    penis enlargement surgery picture penis enlargement shot medical penis enlargement



Leave a Comment