h1

Machuca

October 7, 2006

Kapag nakakapanood ako ng isang magandang pelikula, kinikulabutan ako kapag pina-flash back ko ang mga paborito kong eksena. Kasabay nito ay ang hangarin na makagawa ng kasing galing na istorya o kasingtingkad na mga tauhan. Corny kapag inamin ko na habang ginagawa ko ito’y nagsisitayuan ang mga buhok ko sa batok at braso.

Greenbelt 3 ang venue ng 5th Spanish Film Fest. Hanggang October 15 ang palabas. Anim pa lamang ang napapanood ko hindi dahil sa wala akong oras kundi dahil hindi posible.

Sa mga napanood ko, paborito ko ang Machuca. Tungkol ito sa hindi pangkaraniwang pagkakaibigan ng dalawang batang nagmula sa magkaibang estado ng lipunan. Backdrop sa naturang pelikula ang political upheaval noong 70s sa Chile. Sabi ko kay Chancy, na kasama kong nanood, parang Dekada 70 ang Machuca, pero mas maganda, di hamak na mas maganda.

h_machuca_web.jpg

Nakakainggit ang elitistang pamumuhay ni Gonzalo. Sa panahong may shortage ng pagkain sa Chile dahil sa civil war, hindi sila nawawalan ng supply at namumuhay ng payapa at sagana. Na salungat sa kalagayan ni Pedro Machuca, ang kaklase ni Gonzalo na naninirahan sa squatter’s area kapiling ng mga demonstrador at aktibista.

Isang araw, inimbita ni Machuca si Gonzalo na sumama sa kanila upang magsideline: ang magbenta ng flag, kendi at sigarilyo sa mga nagrarally. Nakakaaliw bagamat me suntok ang eksenang nagsisitalon ang mga raliyista kapag me sumisigaw ng “tumalon ka kung komunista ka.” Nang malaman ni Gonzalo ang kahulugan ng sigaw, bahagya siyang napatigil. Hindi siya kabilang mga taong iyon.

Kung sa Pilipinas at Pilipino ang gumawa ng pelikula, malamang hindi nakalusot sa MTRCB ang kissing scenes ng tatlong menor de edad. May kahabaan ang eksena. Iniisip ko tuloy kung ano ang reaskyon ng mga magulang ng mga batang naghahalikan.

Isa sa pinakanakakaantig na tagpo sa pelikula ay nang pumunta si Gonzalo sa squatter’s area sakay ng kanyang bike habang abala ang mga militar sa paghuli at pagdemolish ng lugar.  Nasaksihan na niya dati pa ang kahirapan sa lugar pero sa huling pagbisita niya nasaksihan ang brutal na paghuhuli ng mga militar sa mga hinihinalang komunista kasama ang pamilya ni Machuca at ang pagpaslang sa kaibigan niyang babae na siyang nagturo sa kanyang para humalik. Nang dakpin siya ng militar, pumalag siya pero hindi siya pinansin. Pero nang sabihin niyang “Tingnan mo ko” (siyempre hindi talaga siya marunong magTagalog) naniwala ang militar na huhuli na dapat sa kanya. Sino ba namang tangang pulis ang magkakamaling taga-iskwater ang strawberry-faced na bata na nakasuot ng Adidas. Sa tagpong iyon na-realize ni Gonzalo na hindi siya nababagay sa lugar na ‘yon.

Sabi ko kay Chancy, tama yung sinabi ng lasenggerong tatay ni Machuca kay Gonzalo na after 15 years, may sarili ng kompanya si Gonzalo at hindi na niya maaala si Machuca. It makes sense Chancy kasi several years after that meeting, it’s possible na hindi na talaga sila magkikita.

Nakakapanghinayang na pagkakaibigan. Nalulungkot ako para sa kanila. 

Leave a Comment