
Berde
October 3, 2006Hindi ako malisyoso pero nung makita ko ang patalastas ng Menthos candy sa MRT Guadalupe Station, left side kapag papunta kang North Edsa, napangiti ako.
Fresh kahit tayuan, sabi ng billboard.
Sa mga nakalinyang itlog, isa lang ang nakatayo.
Kung ilalapat ang teoryang “the author is dead” me kapangyarihan akong sabihin na malisyoso ang patalastas.
Matutuwa marahil ang nagkonsepto ng malisyosong linya kapag nalaman niyang berde ang naging dating sa nakabasa.
uy ano itong “author is dead” theory?
ah. eto yung isang teorya sa paglalapat ng reaksyon sa isang obra na hindi isinasali ang intensyon ng awtor noong ginawa niya ang kanyang obra. vague ba?
ahh.. buti nlng ngtag ka ulet sa blog ko..
sino ang ngformulate ng ganung theory?
so hiwalay ang author sa isinulat nya? parang hindi sya conscious na sinulat nya un? o parang hindi tlg sya ang nagsulat?
ito ba un?
http://mh.cla.umn.edu/ebibjd1.html
i’m not sure kung sino ang nagformulate ng ganyang teorya. hindi naman talaga hiwalay ang author sa isinulat niya. sa teoryang ito, may kapangyarihan ang mambabasa sa pagsusuri ng obrang ginawa ng author at yun ang mas mahalaga, hindi kung ano ang intensyon ng author. parang ‘pinapatay’ natin ang awtor kasi hindi na siya kasali sa obra niya.
cge tignan ko kung sino sa mga post-structuralist ang nag-formulate neto.. interesado kse ako sa mga literary theories, yun nga lang wala ako sa akademya kaya nahuhuli ako, lalo na sa diskusyon o debate.. sakin kasi subjective ang kapangyarihang magbasa ng audience/reader dahil iba ang consciousness nya sa author, at kung itaas ang potensyal na ito sa intensyon ng author e delikado sa akda.. pagtatawanan lang sya ng author.. halimbawa dun sa “The Red Wheelbarrow” ni chuva, sorry, nakalimutan ko na pangalan ng poet..
haha makoy talaga hangang dito dala ang discussion sa PP. Well i agree on you comment here. It’s a basic fact na iba talaga ang conciousness ng reader sa author at kapag sinubukang higitan ng reader ang cnsciousness ng author ang akda na mismo ang maapektuhan dahil posibleng lumagpas ang nais hingin ng mambabasa sa nais lamang ibigay ng akda di ba. Si William Carlos William ang author ng The Red Wheelbarrow hehehe.
haha! Napansin mo rin pala yun? ang galing pareho tayo ng iniisip.. pero malamang ay hindi lang tayo dahil mukhang yun naman talaga ang sadya ng mga advertisers na isipin ng mga makakakita.. sabihin ng mas pumapatok ang advertisement kapag merong malaswang kahulugan sa likuran nito..
haha! Napansin mo rin pala yun? ang galing pareho tayo ng iniisip.. pero malamang ay hindi lang tayo dahil mukhang yun naman talaga ang sadya ng mga advertisers na isipin ng mga makakakita.. sabihin ng mas pumapatok ang advertisement kapag merong berdeng kahulugan sa likuran nito..