h1

Virgin Labfest II

August 10, 2006

 Originally posted at 21yearsofsolitude.blogspot.com

Sana mapanood ko lahat ang dulang kasama sa Virgin Labfest 2.1. Noong biyernes, July 7, kasama si Eloi, pinasya naming makipagsapalaran sa CCP para manood ng opening ng naturang playfest – for free. Hindi naman kami nabigo. Hindi napuno ang Huseng Batute. Nakatakdang ipalabas noong gabing iyon ang “
Maganda Pa ang Daigdig”, “Pragres” at “The Return of Flor”.
Napanood ko na ang “Pragres” noong recital ng PHSA. Ibang aktor na ang gumanap sa papel na Marina. Hindi pa rin kumupas ang galing ni Nar Cabico na may iba’t-ibang karakter na ginanampanan sa dula. Paboritong linya: “But what can I do? I told you I’m from Fairview!” Tungkol sa cover-up ng isang small-time killing ang “Maganda Pa ang Daigdig” ni Ogie Braga. Habang nagkakagulo sa EDSA para patalsikin si Erap, nagkakagulo naman sa bahay nina Ben kung paano gawing sekreto ang pagdispatsa sa bangkay ni Boldyak na tinadtad ni Ben. Ang premise: hindi big deal ang pagpatay.Kahanga-hanga ang galing sa pag-arte ni Mailes Kanapi bilang Flor sa monologue ni Rody Vera tungkol sa pagbabalik ni Flor Contemplacion sa lupa para i-console ang DH na si Gwen na nasa piitan at nakatakdang bitayin. Tungkol sa isang joke ang dula. At kapag nakuha mo kung ano ang joke na yun, hindi ka matatawa. Bagkus mapapaisip ka nang husto. Nag-iwan ng bakas sa manonood ang sikat na magic sing mic ni Flor.2. Sabado. July 8, 2006. 3p.m. Like a Virgin.
a.) Nakakabilib ang performance ng mga aktor ng Dulang Sipat Lawin. Kaya lang parang nabawasan ang ganda ng dulang “First Snow of November.” Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagustuhan ko nang husto ang performance ng artistang gumanap sa papel na Tony Bataller. Maging ang ilang dialogue ay tila nagbago rin. Medyo nasobrahan na ang paggamit ng bernakular na salita dahilan upang hindi makasunod ang audience na hindi nakakaintindi ng Ilonggo. Pero si Fil Acayan, kahanga-hanga pa rin. Nakakabilib ang pagpapalit-palit niya ng role mula sa pagiging matanda pabalik sa pagiging bata at vice-versa. Ang kanyang “magic sound mirror” ang magtatak sa imahinasyon ng manonood.

b.) Pragres. Tawa pa rin ako ng tawa kahit pangatlong beses ko nang napanood ang dulang ito.

c.) Ang Unang Aswang
Kakat’wa ang reaksyon ng mga manonood nang lumabas ang mga aktor na nakaitim at nakatalukbong ng itim na belo habang umuusal ng mga salitang ekstranghero. Tungkol sa alamat ng unang aswang ang dula. Kapansin-pansin na mas naging daring ang sex scenes (siguro dahil college students na ang dalawang aktor at mayroon pang butt exposure.

3. Linggo. Hora de Peligro.
Nanganganib na ang allowance ko para sa susunod na linggo pero pinili ko pa ring manood. Nang mag-isa ulit.
a.) Maganda Pa ang Daigdig. Napansin ko ang magandang improvement. May mga scenes na idinagdag kagaya ng aktuwal na paglabas ni Boldyak habang nina-narate ni Ben ang pagpatay dito. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa dalawang mama sa audience na natalsikan ng “dugo” mula sa ulo ni Boldyak (ginampanan ni Abner Delina).

b.) Baka Sakali.
Ayos lang kahit hindi si Nanding Josef ang gumanap sa papel na Lolo. Kahanga-hanga ang performance ni Kuya Bodjie bilang lolo na gustong-gustong makipagsapalaran sa suwerte na idudulot ng noon-time show sa ABS. Tungkol sa pagkumbinse ng lolo sa apo niya na sumama sa anibersaryo ng Wowowee dahil nararamdaman niya ang kakaibang swerte ang tema ng dula. Subalit, maging ang pangangarap pala ay delikado rin. Isa ang apo niya sa namatay sa naturang trahedya.
Saludo ako kay Dennis Teodisio na siyang author ng dula.

c.) Ang Anak ni Gloria.
Nasa pangalan ni Gloria ang swerte. Nakatakda siyang pakasalan ng kalaguyong taga-Holland dahil sa anak nila. Ang problema ipinalaglag ni Gloria ang anak niya dito dahil hindi siya nito pinansin noong ipinagbubuntis niya ito. Pero ngayon, gusto siyang dalhin nito sa Holland basta’t kasama ang “anak” nila. Nagpabuntis si Gloria sa pangit na kapitbahay at nagkaanak din ng pangit. Ang last resort: bibilhin niya ang mestisang anak ng pangit niyang kaibigan – kung mapapapayag niya ito.

4. Sabado. 3pm. Tanghalang Huseng Batute. Hopelessly Umaasa

a.’Pag Uwi ‘Pag Undas: Dalawang kaluluwa sa sementeryo ang naghihintay sa pagdating ng minamahal subalit paano nila matatagalan ang paghihintay dito kung mas pinili nitong ipagdiwang ang pista ng patay sa Boracay at paano nila matatanggap sa isa’t-isa na iisa lamang ang kanilang hinihintay.

b. Dragon’s Breath: Isang Filipino-Chinese teacher ang nakatakdang operahan sa mata, nag-aalala sa kahihinatnan ng operasyon at nannibugho sa hindi pantay na pagtrato ng administrasyon ng hospital. Isang may edad na Chinese na may tumor sa utak ang nakatakdang operahan.

c. Palanca in my Mind: Isang call-center agent ang nag-indefinite leave of absence para asikasuhin ang pagpapasa niya ng entry sa Palanca, ang prestihisoyong patimpalak sa pagsusulat sa bansa. Subalit paano kung mahoholdap ang sinasakyan niyang FX at hindi siya makaabot sa midnight deadline? Or worse, pano kung tangayin ng mga holdapers ang kanyang entry? Isang nakakatawang dula ng isang desperadang “manunula” na magkaroon ng award sa Palanca.

5. Linggo. 3 pm. CCP Tanghalang Huseng Batute. With Anna and Chancy.

a. Pay/Siks. Sino ang mas nakakalalamang: ang nangungutang o ang inuutangan? Paano kung ginagamit ng nangungutang ang kanyang katawan upang lansihin ang inuutangan? At paano kung ginagamit ng inuutangan ang kanyang kapangyarihan upang lansihin ang nangungutang. Sino ang Top at sino ang Bottom? Ginampanan nina Arnold Reyes at Jake Macapagal.

b. Exit/Labasan: Laging nasa sinehang nagpapalabas ng dobleng pelikula si Lalaki 1, naghihintay. Dito niya nakatagpo si Lalaki 2 na alaga ng isang pari sa simbahan ng Baclaran. Ano ang kapalarang naghihintay sa dalawa?

c. Hubad: Si Lalaki at Babae, kinakailangang magrole play upang ma-arouse. Kahit anong naisip nila ay gagampanan para lamang ganahan sa pakikipagtalik. Subalit sa kabila ng kanilang pagtatangka at pag-enact ng samu’t-saring papel, wala pa ring nangyayari hanggang sa kapwa sila napuno sa isa’t-isa at isang nakakapanlumong rebelasyon ang nailantad: nagsasawa na si Babae na i-fake ang orgasm niya.

Napatayo ako habang pumapalakpak nang natapos ang dula at napansin kong halos lahat ng manonood ay napatayo rin habang sumisigaw ng “Bravo! Bravo!” First na tambalan ng dalawa sa pinakamagagaling na artista ng teatro: sina  Irma Adlawan at Noni Buencamino.

Kaabang-abang ang susunod na Virgin Labfest sa susunod na taon.

12 comments

  1. hindi maganda ang mga isinulat mo…………………………………….


  2. sana may mga nakakatakot na istoya


  3. sana may mga nakakatakot na istorya


  4. Hi!
    Gimme any link to downloading XRumer 5.0 Palladium for free!
    Thank you…
    Very-very much.
    I’m so need this program for promote my online projects!!! This software is the best thing for online promo and mass posting, you know…

    And, dont send me XRumer 2.9 and XRumer 3.0 – that versions are too old!

    P.S. Google cant help me((((


  5. I wonder if web industry affected by crisis as well? and to what extend? Will the admins continue this web?


  6. After reading through the article, I feel that I really need more information on the topic. Could you share some more resources please?


  7. I was justified reading a assuredly question on how to convey your down comforter all puffy again and almost all the answers said that you can save some tennis balls in the dryer to make that happen. how to take one’s part a tennis ballSo how does that work exactly? Why does this happen? Can you throw away something else rather than tennis balls? Hold responsible you!
    how to arrange tennis balls


  8. И за горами люди…


  9. secure virginia slims ultra reflection cigarettes
    shoddy doral cigarette tawdry doral cigarette|penurious doral cigarettes
    low-priced doral cigarettes cheap doral cigarettes
    cheaply gpc cigarette reduced gpc cigarettes
    tight gpc cigarettes shoddy gpc cigarettes
    buy cheap cigarettes


  10. Slightly embarrassed and with a quick smile to the bus driver, she reched behind her to unzip her skirt a little, thinking that this would give her enoughg slack to raise her leg.


  11. Another big shot, another Genious of our days! Definatley on of the HISTROICAL figuers! Such a pitty!


  12. Wow such an unexpected extermination! The whole people stood unruffled to say goodbuy to Michael! He is Elvis of our days!R.I.P MICHAEL!



Leave a Comment