Archive for July, 2006

h1

Birhen 2

July 10, 2006

Sana mapanood ko lahat ang dulang kasama sa Virgin Labfest 2.

1. Noong biyernes, kasama si Eloi, pinasya naming makipagsapalaran sa CCP para manood ng opening ng naturang playfest – for free. Hindi naman kami nabigo. Hindi napuno ang Huseng Batute. Nakatakdang ipalabas noong gabing iyon ang “Maganda Pa ang Daigdig”, “Pragres” at “The Return of Flor”.

Napanood ko na ang “Pragres” noong recital ng PHSA. Iba ng aktor ang gumanap sa papel na Marina. Hindi pa rin kumupas ang galing ni Nar Cabico na may iba’t-ibang karakter sa dula. Paboritong linya: “But what can I do? I told you I’m from fairview!”

Tungkol sa cover-up ng isang small-time killing ang “Maganda Pa ang Daigdig.” Ang premise: hindi big deal ang pagpatay.

Kahanga-hanga ang galing sa pag-arte ni Mailes Kanapi bilang Flor sa monologue ni Rody Vera tungkol sa pagbabalik ni Flor Contemplacion sa lupa para i-console ang DH na si Gwen na nasa piitan at nakatakdang bitayin. Tungkol sa joke ang dula. At kapag nakuha mo kung ano ang joke na yun, hindi ka matatawa. Bagkus mapapaisip ka nang husto.

2. Sabado. July 8, 2006. 3p.m. Like a Virgin.
a.) Nakakabilib ang performance ng mga aktor ng Dulang Sipat Lawin. Kaya lang parang nabawasan ang ganda ng dulang “First Snow of November.” Hindi ko alam kung bakit. Siguro nagustuhan ko nang husto ang performance ang gumanap sa papel na Tony Bataller. Maging ang ilang dialogue ay tila nagbago rin. Medyo nasobrahan na ang paggamit ng bernakular na salita dahilan upang hindi makasunod ang audience na hindi nakakaintindi ng Ilonggo. Pero si Fil Acayan, kahanga-hanga pa rin. Nakakabilib ang pagpapalit-palit niya ng role mula sa pagiging matanda pabalik sa pagiging bata at vice-versa. Ang kanyang “magic sound mirror” ang magtatak sa imahinasyon ng manonood.

b.) Pragres. Tawa pa rin ako ng tawa kahit pangatlong beses ko nang napanood.

c.) Ang Unang Aswang
Kakat’wa ang reaksyon ng mga manonood nang lumabas ang mga aktor na nakaitim at nakatalukbong ng itim na belo habang umuusal ng mga salitang ekstranghero. Tungkol sa alamat ng unang aswang ang dula. Kapansin-pansin na mas naging daring ang sex scenes (siguro dahil college students na ang dalawang aktor :) at mayroon pang butt exposure.

3. Linggo. Hora de Peligro.
Nanganganib na ang allowance ko para sa susunod na linggo pero pinili ko pa ring manood. Nang mag-isa ulit.
a.) Maganda Pa ang Daigdig. Napansin ko ang magandang improvement. May mga scenes na idinagdag kagaya ng aktuwal na paglabas ni Boldyak. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa sa dalawang mama sa audience na natalsikan ng “dugo” mula sa ulo ni Boldyak (ginampanan ni Abner Delina).

b.) Baka Sakali.
Ayos lang kahit hindi si Nanding Josef ang gumanap sa papel na Lolo. Kahanga-hanga ang performance ni Kuya Bodjie. Tungkol sa pagkumbinse ng lolo sa apo niya na sumama sa anibersaryo ng Wowowee dahil nararamdaman niya ang kakaibang swerte ang tema ng dula. Subalit, maging ang pangangarap pala ay delikado rin. Isa ang apo niya sa namatay sa naturang trahedya.
Saludo ako kay Dennis Teodisio na siyang author ng dula.

c.) Ang Anak ni Gloria.
Nasa pangalan ni Gloria ang swerte. Nakatakda siyang pakasalan ng kalaguyong taga Holland dahil sa anak nila. Ang problema ipinalaglag ni Gloria ang anak niya dito dahil hindi siya nito pinansin noong ipinagbubuntis niya ito. Pero ngayon, gusto siyang dalhin nito sa Holland basta’t kasama ang “anak” nila. Nagpabuntis si Gloria sa pangit na kapitbahay at nagkaanak din ng pangit. Ang last resort: bibilhin niya ang mestisang anak ng pangit niyang kaibigan – kung mapapapayag niya ito.

4. Siyam na dula pa ang nasa listahan. Plano kong panoorin iyong lahat.

5. Inaabangan ko rin ang “Ars Poetica” at “Rite of Passage” sa July 22.

6. Busog na naman ang artistic need ko nito.

h1

The House That is Not in the Lake

July 1, 2006

Glorietta. Cinema 6. 7:30. Alone.

A friend commented he couldn’t help but associate “Lake House” with “Speed” while watching the movie. Why not? Both have the same lead cast. Sandra Bullock and Keanu Reeves.

So Hollywood doesn’t want to be left behind with the Korean movie that swept the world with its unique story. Come on, what do you expect? Ring —> The Ring, remember? Abre Los Ojos —-> Vanilla Sky, see? And the list goes on.

It was Agnes, my former-officemate at ISS, who introduced me to “Il Mare.” She’s got a CD copy which she willingly lends to those curious movie buffs in the office. John saw it first and thanks to his praises, the movie became an instant hit. Everyone wanted to borrow the copy. I hadn’t had the chance to watch it but I was able to see the first few scenes. It reminded me of some Korean films I’ve seen in the past. “Summer Time” (which is an adaptation of Peque Gallaga’s “Scorpio Nights”) and another tragic movie which I can’t remember the title. Long shots; very smooth texture; pleasing-to-the-eye cinematography and of course, the ubiquitos tragic ending. They can never have a film that doesn’t end in tragedy.

Those formula can be seen in “Lake House.”

After seeing the film, I immediately phoned Stacey and we talked about our reactions. She’s seen “Il Mare.” I didn’t like the film. She said the Hollywood adaptation is oversimplified giving her an impression that it made the viewers dumb. Magic realism that doesn’t work.

And that’s it.

I should have bought a copy of “Story Philippines” instead.