Archive for May, 2006

h1

Dalumat

May 29, 2006

1. Sa palagay ko’y bagsak ang interpersonal skills ko. Problematic ang relationships ko sa ibang tao. Nahihirapan akong mag-maintain ng relasyon. Dapat siguro’y ipinanganak na lang akong autistic. May sariling mundo.

2. Wala akong pinakamalapit na kaibigang maituturing. Yung puwede kong pagkatiwalaan ng kahit na pinakamadilim na sekreto ko sa buhay. Diary ko lang ang nahihingahan ko ng mga frustrations ko sa buhay. Pero madalas, ningas-kugon din ang relasyon ko sa diary ko. Marahil, kung tao lamang siya, masama na rin loob niya sa ‘kin dahil hindi ko siya regular na pinapansin.

3. Si Samson, namatay siya noong second year ako sa kolehiyo. Hindi talaga intensyon na ipaalam sa kin ang nangyari sa kanya, hindi dahil masasaktan ako, kundi dahil hindi ganoon kaimportante na malaman ko. Pinilit kong umiyak para man lang mapaniwala ko sa sarili ko na mahalaga sa ‘kin si Samson; na ang pagkawala niya’y pagkawala rin ng isang bahagi sa kin. Mahal ko si Samson, hindi ko puwedeng sabihing hindi. Pero hindi siguradong mahal rin ako ni Samson. May mga sandaling napapansin kong ayaw niyang kasama ako, ayaw niyang makipaglaro, ayaw niyang katabi ko siya.

Mahilig magsolo si Samson. Kagaya ko. Madalas akong sumasali sa pag-iisa niya pero mas gusto niyang siya’y nag-iisa. Hindi naman niya ipinaparamdam sa ‘kin na ayaw niya akong kasama pero nararamdaman ko yun. Alam ni Samson ang mga gusto ko sa buhay; ang ilang detalye ng mga sikreto ko dahil ipinapaalam ko sa kanya.

4. Isang kaibigan ang may sama ng loob sa kin dahil sa ipinost ko dito sa blog. Hindi ko inakala na magiging ganun katindi ang galit niya sa ‘kin. Siyempre pinanghihinayangan ko ang posibleng pagkakalagot ng pising nagbibigkis sa min bilang magkaibigan. Sayang naman kasi ang medyo mahaba-habang taong pinagsamahan namin. Miscommunication din marahil ang dahilan ng mga paratang na naka-umang sa likuran ko.

5. Saan kaya makakabili ng “Guide to Maintaining Relationship?” Mukhang kelangan ko na kasi. Baka paggising ko isang araw eh talagang nag-iisa na ‘ko sa mundo.

6. May sama rin ng loob sa kin ang pamilya ko, alam ko yun. Noong sabado ng hapon ang huli naming pagti-text ng ate ko. Gayong malumanay ang tono ng mensahe niya, alam kong nagpaparinig siya at may gusto siyang sabihin na hindi niya gustong marinig ko. Nag-explain ako. Hindi niya siguro nabasa o baka dahil sa sama ng loob, di na niya binasa. Ang hirap. Halos lahat sila lumalayo. Naiiwan ako sa gitna.

7. Minsan, sinasabi ko sa sarili ko na walang silbi ang existence ko dito sa mundo. Parang langgam na nagpu-prusisyon sa mumo. Parang butil sa isang sakong bigas. Tuldok sa milyong-milyong stars.

8. Kapag dumating ang puntong lumagpak ako, marami silang hahalakhak. Lahat sila – iisa ang magiging litanya. Buti nga sa ‘yo.

9. Gusto kong isilang muli. Sa isang estrangherong lugar na walang makikilala sa ‘kin, sisimulan kong bumuo ng isang karakter. Pero siguradong, nakabuntot sa kin ang alaala ng pinanggalingan ko. Hindi rin ako matatahimik.

10. Hahayaan ko na lang muna ang ganito. Baka may solusyon pa.

h1

Today’s Saturday

May 27, 2006

I don’t know how you call it. Blessing? Coincidence? Damn, that was real astonishing. Makes me think I’m so blessed. Ops, I guess “blessed” is not the right term. Well, there are things that happen unexpectedly you wonder if they really are real. And when unexpected things happen, you can hardly react. You just stand there and watch in awe and shock. Later, you try to pinch yourself if you’re just dreaming or everything is just a product of hallucination. You try to get back to reality. And it astounds you more to find out that you are not dreaming. Everything that you see is happening. This brings some excitement but it’s ephemeral. Before you know it, it’s already gone. There’s no way for you to say, “hold on, I want more.” And there, disappointed, you begin to get back to your senses. Your mind tells you, “hey, that’s enough.”

That was not my first time.

h1

Ang Aming Bayan

May 24, 2006

Death was something I dreaded. Before. Now? Maybe.
Last Friday the 19th, Eloi and I went to CCP to watch Sir JP’s recital play entitled “Our Town.”
The play focuses on the lives of the simple townsfolk in Pulang Lupa. It begins with an observation of the daily lives of the townsfolk. The second act goes on to portray the romance which develops between George Gibbs and Emily Webb, the young lovers who are getting married. And in the third act, after Emily dies, she finds herself among the mourners at her own wake.
The play attempts to make a statement about the futility of living in the past, and forces the audience to deal with the concept that life is like a show; it must go on. In the end, he says, truth can only be found in the future, which it is still in our power to influence and change. Our lives are our own to live, and we must learn to set our own course while we still can.

h1

Balay Daku

May 12, 2006

Naiinis ako sa kanila. Kina Anna, Jacqui at Allan. At naiinis din ako sa sarili ko. Kung bakit hindi ko nagawang umayaw nang yayain nila akong lumabas na sa roundeyeglasskape kahapon dahil nagugutom na sila at hindi nila type panoorin ang pelikula. Nakakatawa – yun talaga ang dahilan kung bakit ako sumama – upang panoorin ang indie film ni Sir JP.

Pero may pagkakataon pa akong manood. Hindi na ako maiinis kina Anna, Jacqui at Allan.

h1

Mother’s Day

May 10, 2006

For Chancy’s mother.

What makes Ai-Ai adorable in the movie Tanging Ina? It’s not her portrayal that shines the most; it’s the thought that as the mother of twelve children, she is able to raise them well.

Like Ai-Ai in Tanging Ina, we regard Nanay as hero – a wonder-nanay whom we call “pinakatatanging ina.” To say that she’s the best nanay in the world is an understatement. No words can describe Nanay’s sacrifice for us. She’s been a great nanay since we were young.

Despite her job as a midwife, she is able to make both ends meet. She never let our stomach grumble. She always finds time for us even though her job demands most of her time. It’s ironic to note that while her profession teaches couples the importance of family planning, ours is a family that is literally big in number. When asked if she regrets having many children, she just exudes her winning smile and lamely says, “They’re my treasure.” Nothing compares the pride and happiness she feels every time we’re complete in our small but decent house in Nasugbu, Batangas.

Nanay always makes us feel that we receive the best care and attention from her. Our vacation is a sure treat. Going home is always tantamount to quality rest. Nanay’s would prepare us the most delicious foods she can afford. We even get an extra massage from her – you’d think you had a spa treatment! Of course, we don’t let Nanay to do all the house chores.

Nanay never fails reminding us how important it is to live life with a positive outlook. She always tells us that she and Tatay haven’t anything to offer but their love and guidance. “Just finish your studies and that would be enough for us.” We’vebeen through a lot of hardships, but Nanay still standsstrong and firm.

It’s really inspiring to know how our family survived from life’s difficulties and how we manage to smile while eating together in a table with scanty foods.

These we owe to Nanay – our Tanging Ina.

h1

Pag-iisa

May 3, 2006

Sa aking paglipat, naramdaman ko ulit ang aking pag-iisa. Pinatingkad, higit na pinaalala na wala akong kasama. Ayos lang naman sa kin; sanay naman akong nag-iisa. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit bigla na lang akong sinusumpong ng pangungulila sa tuwing papasok ako sa kuwarto; sa tuwing nagpapalit ako ng damit; sa tuwing papatayin ko ang ilaw; sa tuwing tititig ako sa kisame at makikipagtigan sa glow-in-the-dark; at sa tuwing maaalimpungatan ako sa gitna ng gabi na walang ibang kayakap kundi ang unan sa aking dibdib.

Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Dapat siguro, kailangan siguro – maghanap na ako ng kasama.
Sa bago kong kuwarto.

h1

Libreng Klase sa Pagdirek sa Teatro

May 1, 2006


Very interesting information that i’ve read from filipinowriter.com

Free Directing Classes

FREE DIRECTING CLASSES

FRENCH DIRECTOR HOLDS FREE DIRECTING CLASSES

Visiting French director, Alain Timar, will beconducting FREE directing classes every Saturday,12:00 NN – 10:00 PM, at the National Commission forCulture and the Arts, Intramuros from May 20 to June17, 2006. He is looking for 20 participants withdirecting experience (collegiate or professionallevel) to take part in this dynamic interculturallearning collaboration. Given the limited slots,participants will be screened and interviewed forconsideration to the program. Interested parties maybring their updated resumé to the Tanghalang Pilipinooffice at the 2nd Floor Production Design CenterBuilding, CCP Complex, Roxas Boulevard, Pasay City, onor before May 10, 2006. You may also send it viae-mail to ccptanghalan@yahoo.com.

Alain Timar will be in the country to direct aFilipino adaptation of WAITING FOR GODOT for Tanghalang Pilipino, featuring Paolo O’Hara, PaoloRodriguez, Bong Cabrera and Cris Pasturan. He is arespected “non-traditional” theatre director, teacher,scenographer and plastic artist in France. As adirector, he is as interested with the process ofcreation as much as the production itself. Thus, the participants to the directing class will also get towork with the actors in an interactive experimentation during rehearsals.

Timar’s works have been presented in diverse circumstances in a number of countries which includes France, Germany, Belgium, Congo – Brazzaville, IvoryCoast, Spain, Guadeloupe, Hungary, Italy, Israel,Martinique, Netherlands, Portugal, Romania, and U.S.A.After academic literary studies in France, he joined various theatre companies until he decided to settlein Avignon, where he founded the Théâtre des Halles ofwhich he has been the Artistic Director since 1983.Each year, Théâtre des Halles participates in theTheatre Festival in Avignon, which is one of the mostprestigious in the world. Alain Timar has beennominated “Chevalier de l’Ordre des Arts et desLettres” in January 2003.

For more details about the program, please call TP at832-3661 or 832-1125 locals 1620/1621.
Tanghalang PilipinoResident Theater Company of theCultural Center of the PhilippinesRoxas Blvd., Pasay City
Office Telefax: 832-3661CCP Trunkline: 832-1125 local 1620 & 1621(Tuesdays to Fridays)

h1

Sige na Nga

May 1, 2006

Dulang ipapasa ko sana sa Palanca.

MARMOL
Dulang may Isang yugto
Ryan E. Machado

MGA TAUHAN

ALEJANDRO RUIZ (ANDOY) 34. Balingkinitan at kayumanggi. College professor.
WILFREDO ESPINOSA (PIDO) 32. Maputi, makinis ang kutis. Kaibigan ni Andoy. Theater actor sa States.
MGA ESTUDYANTE Mga miyembro ng Teatro Marmol
GURO Babae. Co-teacher ni Andoy.

TAGPO
Ang dula ay magaganap sa loob ng silid-aralan ng isang unibersidad sa probinsya ng Romblon. Magulo ang kabubuan ng silid. Wala sa ayos ang mga upuan. Nagkalat ang iba’t-ibang props sa sahig. May isang mesa sa kanang bahagi ng entablado. Sa ibabaw nito ay may mga nakapatong na libro at isang lumang makinilya. Sa pisara ay may nakapaskil na manila paper kung saan nakasulat ang tulang “Habilin ng Naghihingalong Makata sa Kabataan” ni Bertolt Brecht.

PANAHON
Kasalukuyan.

Lights fade in on stage. The TEACHER and PIDO enter. The TEACHER is eating peanuts.

GURO Pasensya ka na, hijo pero binilin sa ‘kin ni Mr. Ruiz na kapag dumating ka raw at wala pa siya, dito muna kita paghihintayin.
PIDO (Amused) Imposible talaga ang Mr. Ruiz na ‘yan.
GURO Pero kung ako lang ang masusunod, hindi kita hahayaang maghintay dito. Sa hitsura mo pa naman, mukhang hindi ka sanay sa ganitong lugar. Maalikabok dito. Maaalibukan ang iyong kutis.
PIDO Huwag ho kayong mag-alala sa ‘kin, Ma’am.
GURO (Flirting) Estrella na lang. Halos magka-edad lang naman tayo, hindi ba.
PIDO Huwag kang mag-alala sa ‘kin, Estrella. Dito ako lumaki sa Romblon kaya walang anuman sa ‘kin ang kuwartong ito. Tsaka hindi naman siguro matatagalan si Mr. Ruiz, hindi ba?
GURO Hindi ko masabi. Madalas hapon na siya kung dumating dito sa unibersidad. Ewan ko nga ba sa taong ‘yan. Masyadong abala sa iba’t-ibang lakad.
PIDO Lakwatsero, ang ibig mong sabihin?
GURO No, no. Hindi sa ganoon. Marami lang talaga siyang inaasikaso. Alam mo kasi, bukod sa pagiging propesor niya rito sa unibersidad ay may iba pa siyang pinagkakaabalahan. Nariyang maging komentarista siya sa radio, writer ng Romblon Sun at pati na rin sa tourism office sa munisipyo eh may papel din siyang ginagampanan. Hindi mo alam kung saan siya kumukuha ng lakas para sa mga responsibilidad niya. Pero alam mo, nakakabilib ‘yang kaibigan mo.

PIDO smiles
.
GURO O siya, pa’no, mabigat man sa loob ko pero kailangan na kitang iwan dito. May klase pa kasi ako. If you feel that you can’t stand the heat anymore, just go to the dean’s office and I’ll request the good dean to make the aircon full-blasted just for you.
PIDO (Laughs) Salamat. Sa palagay ko naman eh ayos lang ako dito.
GURO O siya, siya. See you around.

The TEACHER exits. PIDO observes the room. He notices the ceiling fan, approaches the switch button, he switches it on. It doesn’t work.

PIDO Shit! (Goes to the table and gets a paper or something that he will use as a fan. Notices the books piled up above the table. Browses some. Letters fall on the floor. He picks them up. Reads)

PIDO’S VOICEOVER Dear Andoy, kumusta ka na? Ayos lang ako rito sa Chicago. Nakakapanibago nga lang ang lamig pero nalalabanan ko naman. Nagsusuot ako ng dobleng jacket tsaka dobleng medyas. Alam mo, sinubukan kong huminga sa pamamagitan ng bibig at para nga talaga akong naninigarilyo dahil sa tila usok na nalilikha ng hininga ko. Siyanga pala, natuwa si Lola Bening sa pasalubong mong marmol na hugis kalapati. Hayan, naglakip ako ng picture. Kuha namin yan ni Lola Bening sa Lakeshore Drive.
Reads another letter.
PIDO’S VOICEOVER Dear Andoy, masaya ang unang klase ko sa theater. Abaw Doy, kamayad-mayad gid tana akong mga kaklase mag-Inggles (Naku, Doy, ang galling-galing ng mga kaklase ko mag-Inggles. Nahuya gani ako maghambal bukon man ba’y ako it fluent mag-hambal sa inggles (Nahihiya nga ako kasi hindi ako fluent magkipag-usap sa Inggles). May mga bago na rin akong kaklase. Karamihan sa kanila ay galing din sa ibang bansa. Pero usyan nimo, ogwa ako it kaklase nga Pinoy pero napansin nakon nga gina-iwasan nana ako kaya owa ako nagpumilit nga istoryahan imaw. Daw kon sin-o gid bala maw, Doy. Daw namit gid tana imaw tulpon.(Pero alam mo, meron akong kaklaseng Pinoy pero napansin ko na iniiwasan niya ako kaya hindi ako nagpumilit na makipag-usap sa kanya. Parang kung sino siya. Ang sarap niyang batukan.)
PIDO laughs to himself.
He reads another letter.
PIDO’S VOICEOVER We celebrated my 23rd birthday at Tito Albert’s house in LA. I was surprised to see my relatives there. It was like a family reunion. We were almost complete. I even performed a monologue before them. They were all happy to know that I pursued a career in theater. Next spring, we will be staging a major play in Chicago. And guess what, I’m in the lead role. Perhaps you are familiar with the play Bent. I’m going to play the role of Horst. One year na lang, ga-graduate na ‘ko. Lola Bening’s asking me if I have plans on coming back there in the Philippines. I told her hindi ko pa alam. By the way, my email address ka ba?

He reads another letter in his hand.

PIDO’s voiceover Bakit hindi mo sinagot ang huling sulat ko? By the way, I’ve already moved to New York and rented an apartment. Nakakapagod. Halos walang tigil ang performance namin. Nga pala, condolence sa nangyari kay Lolo Antoy.

ANDOY enters. He is carrying some plastic bags.
PIDO stops reading.He returns the letters to the books.

ANDOY Odi ron gali ang akong pinakapalangga nga amigo.(Andito na pala ang pinakamamahal kong kaibigan)
PIDO There you are, the late Mr. Ruiz!

They both laugh. They hug each other.

PIDO I missed you so much, Doy.

After a while.

ANDOY Pasensya ka na, namantsahan yata ng pawis ko ang damit mo. (Smells himself) Nahawaan din yata kita ng amoy ko.
PIDO Is that how you treat your visitors?
ANDOY Nagkaon ron kaw? (Kumain ka na?) (Looks at the wall) Yawa, owa ron gali it relo odi. (Puta, wala na palang reko sa kuwartong ito) Anong oras na sa ‘yo?
PIDO Quarter to twelve.
ANDOY Kaya pala nag-aalburoto na ang alaga ko sa tiyan. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Nagkaon ron kaw? (Realizes something)
(Sarcastically) Oh, I almost forgot that you no longer understand Bisaya. It has been almost one decade since you left Romblon, indi bala? How stupid I am not to realize that.
PIDO (Annoyed) Gin-imbita ako ni gobernador sa anda nga udto mag-ilabas. Nag-agi anay ako sa anda bago nag-ayan odi (Inimbita ako ng gobernador na sa kanila magtanghalian. Dumaan muna ako doon bago pumunta dito.).
ANDOY (Unimpressed) At sigurado ako na pinaghandaan ng butihing gobernador ang iyong pagdating. Teka, close ba kayo nun? Tanga ko. Nakalimutan ko na naman na hindi pala basta-bastang tao ang kaharap ko ngayon. (As if talking to somebody) Hindi mo siya kilala? Imposible. Kilala siyang theater actor sa Chicago. Doon siya nag-aral. O di ba bigatin? At sa Philippine High School for the Arts yan gruwadweyt tapos nag-MassComm sa UP. Sino nga namang bobo at tanga ang hindi tatanggap sa kanya dito? Everybody should love him, you know…
PIDO Oy, Doy, nakakasakit ka na.
ANDOY Oh, I’m sorry. I’m just acting, you know. Papasa na ba ako bilang theater actor?
PIDO Dapat alam mo ‘yan. Meron kang teatrong hinahawakan.

Silence.

ANDOY Sigurado ako na pinaghandaan ng husto ng gobernador ang tanghalian mo.
PIDO Hindi naman. Konting salo-salo lang.
ANDOY Kunsabagay, ramdam dito sa probinsya ang labis na kahirapan. Tingnan mo ‘ko, namamayat na dahil walang makain. Pero ang nakakapagtaka ay kung paano naaapektuhan ang mga kagaya nilang hindi natutuyuan ng pera sa bulsa.
PIDO Tama nga ang mga naririnig kong usap-usapan. Na nagbago ka na. Matalim na’ng dila mo ngayon.
ANDOY Nahahasa ko kasi.
Heto, me dala akong pagkain. Galing pa yan sa kabilang bayan. Pero sigurado akong tatanggihan mo ‘to lalo na kapag sinabi kong galling ito sa patay. Nakakatawa ang tao rito, patay na nga pinaghahandaan pa.
PIDO Naiintindihan mo dapat yan. Philippine Studies major ka. Bihasa ka sa kultura. Sino’ng namatay?
ANDOY (Starts to eat) Kamag-anak ng kakilala ko. Nabaril daw ng hindi sinasadya habang nangangahoy sa gubat. May nakakita kung sino ang bumaril. At alam ng lahat kung bakit binaril. Agawan sa lupa. Ang putang-inang Federico Morales gustong kamkamin ang lupa ng mga Estilloso. Walang gustong tumestigo, natatakot. Ang mas nakakaburat, wala ng balak ang pamilya ng namatayan na magdemanda. Ang balita ko, ibebenta na lang daw ang lupa kay Morales para matigil ang gulo. Pero hindi na yan bago rito. Ang bago eh kung bakit may napadpad na mestiso sa lalawigang ito.
PIDO (Smiles) Gago.
ANDOY Guwapo naman. Maputi ka nga lang. Hindi na kita inalok ha. Kumain ka na naman di ba? Tsaka hindi matatanggap ng sikmura mo ang pagkaing galing sa patay. How kadiri!
PIDO (Sighs) Hay naku, heto na naman po kami. (Wipes his sweat with his hand.)
ANDOY Pasensya ka na. Dito sa unibersidad tanging ang dean lamang ang me aircon.
PIDO You don’t have to be apologetic.
ANDOY Okay. Sinabi mo eh.

Silence.

PIDO Kumusta ka na? Pumayat ka ng husto ah.
ANDOY (Silence) Tumaba ka lang kasi. Heto, still alive and kicking and is still capable of masturbating.
PIDO I’m serious.
ANDOY Huwag. Madaling tumanda ang taong seryoso. Ang lola ko, sabi ni lolo kaya raw maagang namatay ay dahil masyadong seryoso.
PIDO (Raises his hands as if surrendering) Hindi ka man lang marunong tumanaw ng utang na loob. Pinaghintay mo ako dito sa mainit na kuwartong ito tapos you’re treating me this way?
ANDOY Ang sabihin mo hindi ka na sanay sa klima dito. Bumalik ka na sa Tate. Baka hinihanap ka na ng director mo.

PIDO, annoyed, looks ai ANDOY.

ANDOY (Feels conscious with PIDO’s stare. Stops eating) Ganito lang talaga ako pag gutom. Napapasukan kasi ng hangin ang utak ko kaya’t lumuluwag ang turnilyo. May scientific basis yan sabi ng lolo ko. Yung mga taong grasa kaya nababaliw ay dahil walang makain.
Silence.
Noong college ako, muntikan na ‘kong masuotan ng hangin sa ulo dahil pinilit kong magreview kahit gutom na gutom ako. Buti na lang dumating ka sa boarding house at me dalang pagkain. You were always on the rescue.
PIDO And I never heard you say thank you.
ANDOY Kilala mo ‘ko. I rarely speak what’s on my mind, vocally.
PIDO Kaya sinusulat mo na lang?
ANDOY Dati. Hindi na ngayon.
PIDO Hindi ako naniniwalang mawawala ang amor mo sa pagsusulat. Noon pa man, yan na’ng pangarap mo – ang maging manunulat. Susunod ka sa yapak nina Marquez, Neruda, Tolstoy at Shakespeare. Kagaya nila, maglalakbay din sa malalayong lupain ang tinig mo.
ANDOY Natural sa bata ang mangarap,. Pero habang tumatanda sila, habang patuloy silang tumutuklas ng mga bagay, umiiba ang kanilang pananaw, gayundin ang kanilang ambisyon. Isa pa, nakakapagod din ang magsulat ng akdang walang nagbabasa.
PIDO Lagi akong umaasa na ipapadala mo sa kin ang mga isinulat mo. Pero kahit isa, wala akong natanggap. Si Lolo Antoy, tuwang-tuwa siya kapag may bago kang dulang isinulat. Naalala ko, kapag binabasahan natin siya ng dula, lalo na kapag gawa mo, aliw na aliw siya. Siguro kung nakakakita lamang siya, paulit-ulit niyang babasahin ang mga dula mo, ano Doy?

ANDOY stops, gets a cigarette from his pocket. He lits it up with a lighter. He throws the lighter to the table.

ANDOY Huwag mo nang banggitin ang matanda baka mabulabog ang kaluluwa niya sa langit.

PIDO goes to the table, searches something.Picks up the green folder. He goes to the center stage.

PIDO (As if talking to ‘Lolo Antoy’) Lo, me bago pong dulang isinulat si Andoy. Tiyak ko pong magugustuhan niyo ito. (Reads the play’s title) Ang Pagbabalik. (To Andoy) Doy, halika na. Nasasabik na si Lolo na marinig ang bago mong dula.
ANDOY (Amused) Hay, Pido. Grow up!

PIDO continues to read the play.

PIDO Lo, ako na lamang po ang magbabasa. Masama ho ang pakiramdam ng apo niyo eh. Total pang-isang tauhan lang ang dulang ito. Handa na po ba kayong makinig? (Silence) Simulan na po natin. (Clears his throat) Parang bahagi ng panaginip ang lahat. Ang nakabibinging ugong ng eroplano. Ang ga-bulak na ulap na halos abot-kamay ko na lamang. Ang estrangherong lungsod na sa pakiwari ko’y ibig akong kupkupin. Subalit, sa pag-angat ng puwit ko sa sinasakyang dyip, biglang nawala ang lahat. Ang magagandang panginorin. Sa pagmulat ng aking mga mata’y ibinalik ako sa mundong aking nilisan. Hindi na lumilikha ng usok ang hanging lumalabas sa bibig ko.
(To ANDOY) Teka, parang ako ‘to ah.
ANDOY Akin na’ng script ko. Ayokong pinapabasa yan sa iba.
PIDO Nanibago ako sa alikabok na bumati sa akin. Wala akong madamang init sa nakakapasong sinag ng araw. Wala ring init ang pagtanggap ng maalinsangang hangin sa aking katawan.

ANDOY snatches the script away from PIDO.

PIDO (To Lolo Antoy) Lo, pasensya na po kayo. Sinumpong na naman ho ang apo niyo ng pagiging madamot niya.
ANDOY Gumawa ka ng sarili mong script. Huwag kang manguha ng hindi sa ‘yo.
PIDO Madamot. Para kang batang ipinagdadamot ang laruan.
ANDOY Ayoko lang masira kaya’t ayokong ipahiram sa iba.
PIDO Hindi ko naman sisirain. Kahit minsan naman hindi ako nanira ng gamit mo, di ba?
ANDOY Ikaw ang sumira sa plano natin. (Silence.) Ano’ng oras na?
PIDO (Doesn’t answer)
ANDOY May klase pa ‘ko. (Leaves. Upon reaching the door, he stops. He realizes something) Hindi. Bisita kita. Ang bisita dapat ini-estima. Tinatanggap ng maayos. Hindi ipinagtatabuyan. Pinaghahandaan ng masarap na pagkain. Dinudulutan ng pinakamainam na pakikipagkapwa-tao. Lalo na kapag galing pa sa ibang bansa.
PIDO Ayos lang kahit iwan mo ako rito. Hihintayin na lang kita.
ANDOY Ayoko ng may naghihintay sa ‘kin. Nagi-guilty ako pag ganun.
PIDO Wala akong dapat ihingi ng paumanhin sa ‘yo.
ANDOY (Smiles) Baka iniisip mo na nagpaparinig ako ha? Hindi, peksman, talagang hindi. (Throws the cigarette) Nagbago na ‘ko. Hindi na ‘ko nagtatanim ng sama ng loob.
PIDO Pero hindi ibig sabihin niyan ay hindi ka na galit sa ‘kin.
ANDOY Wilfredo Espinosa, hindi na tayo mga bata upang magkatampuhan. Matanda na tayo.
PIDO Ikaw lang.
ANDOY Oo, tama ka. Pinatanda nga ako ng problema. Ng konsumisyon. At ng marami pang iba. Pero ibang klase ng pagtanda, Pido. Naiintindihan mo ba ako?
PIDO Pinapalabas mo na naman na immature ako.
ANDOY Wala akong sinasabing ganyan.
PIDO But that’s what you’re trying to say.
ANDOY Huwag mo nga akong ini-Inggles. Nauubusan ako ng Inggles sa ‘yo.
PIDO Fine.
ANDOY Nanadya ka bang talaga?
PIDO Pasensya. (Silence. He stares ANDOY.)
ANDOY (Notices PIDO’s stare) Oo na. alam ko. Pogi ako. Matagal na.
PIDO Hay, Alejandro Ruiz. Kakaiba ka ngang talaga. Alam mo, natatakot ako na baka dumating ang panahong hindi na kita makilala.
ANDOY Huwag kang matakot. Hindi ako magpapaopera ng mukha. Wala akong ipapabago sa katawan ko nang sa gayon kahit ilang dekada pa tayong hindi magkikita, makikilala mo pa rin ako.
PIDO Kung paano ka magsalita, kung paano ka mag-isip, kung paano tumakbo ang utak mo, gusto kong isipin na hindi na ikaw ang dating Andoy. Si Andoy na —
ANDOY Masyado kang madrama. Ang dami mong litanya. Hindi bagay sa ‘yo na maging sentimental.
PIDO Fifteen years ago…
ANDOY No English please.
PIDO … ikaw ang pinakaambisyosong tao sa buong mundo; ang pinakaabalang manunulat; ang hindi maawat na pilosopo.

Silence. ANDOY realizes something. He stares outside.
PIDO’s voice intensifies. He seems to be reciting an oratorical piece. While he talks, he keeps on observing ANDOY.

PIDO Personal mong ililibot sa buong mundo ang iyong mga isinulat at isusulat pa; hindi upang makilala kundi upang ipaabot sa bawat nilalang sa sansinukob ang nilalaman ng iyong utak. Hindi mo kailangang ipaliwanag sa kanila ang ibig mong sabihin, ang iyong mga akda ang gagawa niyon.
ANDOY Walang interesadong magbasa ng artikulo ko sa diyaryo. Pinagsabihan na ako ng publisher na baguhin ang paborito kong topic. Puro na lang daw kultura. Anong pakialam nila diyan? Ano’ng nalalaman nila sa kultura? Wala. Palibhasa kasi walang kultura ang bayang ito. Walang sariling identidad. Ano ang puwede nating ipagmalaki sa iba? Marmol? Ang gustong malaman ng tao rito ay kung sino ang tatakbo sa susunod na eleksyon. Kung sino ang magiging manok nila. Kung bakit bagay sina Piolo at Juday.
PIDO (To the audience) Mga minamahal kong kababayan, iniimbitahan kop o kayong saksihan ang dulang isinulat ng ating ipinagmamalaking manunulat – Alejandro Ruiz. Para po sa kaalaman ninyong lahat, nagkamit ng gantimpala ang dulang ito sa Palanca at naitanghal na sa CCP, sa Broadway at maging sa London West End!
ANDOY Buo ang loob ko ng iwanan ko ang trabaho ko sa Makati at umuwi rito upang magturo. Ayaw pa akong payagan ni Nanay. Mas uunlad daw ako sa Maynila.
PIDO (To ANDOY) Magtatayo ka ng teatro at huhubugin mo ang mga may potensyal sa pag-arte. Pagkatapos, makikilala sa buong probinsya ng Romblon ang bubuuin mong teatro. Babansagan mo itong Teatro Marmol.
ANDOY Wala pang sampung katao ang nanood nang ipalabas namin ang una naming dula. Hindi nila nagustuhan. Ang gusto kasi nila may makita silang sampalan, iyakan at mas magugustuhan nila kapag may putukan.
PIDO Sa pamamagitan ng iyong mga dula, itutuwid mo ang baluktot nilang paniniwala, imumulat mo sila sa tunay na nangyayari, ipapaalam kung ano ang realidad. Magiging instrumento ang iyong mga dula sa pagkakaroon ng hustisya at pagkakapantay-pantay.
ANDOY Minsan, nanood ang gobernador ng isa naming pagtatanghal. May Katwiran ang Katwiran, tungkol sa anak ng hacienderong nanlalamang sa mangmang na alipin. Binansagan niyang subersibo ang dula at iniutos sa dekana na ipasara ang teatro. Wala raw naidudulot na mabuti. Yawa.
PIDO Magtatayo ka ng tanghalang gawa sa marmol. Hihingi ka ng grant sa NCCA. Marami kang kakilala doon. Mag-o-organize ka ng mga acting workshops upang higit na mahasa sa pag-arte ang iyong mga artista.
ANDOY Paminsan-minsan lang kaming pinapayagang magtanghal sa auditorium ng unibersidad na ‘to. At kung papayagan man, obligado kaming magbayad ng rental fee.
Hindi nila marahil maiintidihan ang importansya ng teatro.
PIDO Gayunpaman, hindi ka titigil hangga’t hindi ka nagtatagumpay sa misyon mo. Ikaw – si Alejandro Ruiz, anak ng Romblon, ay hindi susuko!
ANDOY Anong hindi? Peste, sumusuko na ‘ko.
PIDO Imposible. Ikaw?
ANDOY Oo, gusto ko nang sumuko! Bakit hindi.
PIDO Hindi ako naniniwala.
ANDOY Huwag kang maniwala. (Silence) Disorganisado na ang teatro. Balak ko na itong buwagin pagkatapos ng huli naming pagtatanghal.
PIDO Ang Teatro Marmol?
ANDOY Oo. (Silence)
Naalala mo noong mga bata pa tayo? Namumulot tayo ng mga bareta ng marmol sa paanan ng bundok. Nagpapadamihan tayo ng makukuhang marmol pero pagdating sa bahay, itatapon lamang natin ang mga iyon dahil hindi natin mahanapan ng silbi. Kagaya ng industriyang marmol ang teatrong binuo ko. Sa simula, naroon ang makintab na pangako ng pag-unlad pero habang tumatagal, nawawala, unti-unting nauubos, humihina, nawawala. Nakakatawa pero hindi kailanman magkakaroon ng bahay na marmol sa probinsyang ito. Kilala tayo sa marmol pero tingnan mo, ni wala tayong instrukturang gawa sa purong marmol! Wala tayong identidad! Walang kultura. Hindi mo napapansin pero marami’ng umaalis sa bayang ito. Kung lahat sila bibigyan ng pagkakataong umalis, tanging ang mga matatanda na lamang ang matitira rito upang ipagpatuloy ang paglinang ng lupa. Ang mga kabilang sa henerasyong ito, asahan mong patuloy na magsisialisan, iiwanan ang bayang ito. Kagaya mo.
PIDO Bumalik ako. Ipinangako kong babalik ako.
ANDOY Pansamantala lang ang iyong pananatili. Bisita ka lang dito.
PIDO Gusto kong manatili rito.
ANDOY Kailan pa? Kapag kulubot na ang balat mo? Kapag retiro ka na’t kailangan mo ng sariwang hangin? Tanging yun lang ba ang silbi ng lalawigang ito sa inyo? Espasyo. Pahingahan. Libingan.
PIDO Hay, Andoy. Punong-puno ka ng hinanakit sa mundo. Iluwa mo ‘yang sama ng loob mo. Huminga ka ng maluwag. Ng normal.
ANDOY (Runs to the window. He vomits.)
PIDO (Concerned) Doy, ayos ka lang?
ANDOY (Continues to vomit.) Hayan, iniluluwa ko na.

PIDO gets the bottled water on the table. He gives it to ANDOY.

ANDOY (Drinks)
PIDO Okay ka na?
ANDOY Aalis din ako sa lalawigang ito.
PIDO Saan ka pupunta?
ANDOY Sa malayo. Katulad mo. At katulad ng karamihan sa kanila. Kakalimutan kong dito ako z nanggaling. Katulad ni Roilo Golez. Ni N.V.M. Gonzales. Ni Butch Dalisay. O puwede ring mag-call center ako. Basta aalis ako. At kapag namatay ako, ayokong ipalibing ang bangkay ko rito. Dito’y masyadong matakaw ang mga uod. At ayoko ng lapidang marmol, pakiusap.
PIDO Paano ang mga nasimulan mo? Ang mga pinaghirapan mo?
ANDOY Madali lang namang magwakas ng nasimulan.
PIDO Mabigat sa loob. Nakakapanghinayang.
ANDOY Kapag pinaghandaan mo, hindi ganoon kahirap. Nahihilom ng gamot ang mga sugat. Yuck, cliché.
PIDO May maiiwang bakas. Ipapaalala sa ‘yo.
ANDOY Iis-isin kong mabuti hanggang sa tuluyang mabura.
PIDO Kawawa ang lalawigang ito.
ANDOY Matagal na.
PIDO Mas lalong magiging kawawa.
ANDOY Teka, ikaw, ba’t hindi mo gawin ang parte mo sa pagsalba ng bayang ito? Tama, tumakbo ka sa eleksyon. Iboboto ka nila. Nasa ‘yo ang katangian ng mananalong pulitiko. Guwapo. May pera. Malakas ang appeal at charisma. Sagana pa sa yaman ang lalawigang ito. Marami ka pang mapapakinabangan. Katulad ng mga nauna.
PIDO Hindi ako oportunista.
ANDOY Kagaya ka rin nila.
PIDO (Exasperated) At ano’ng gusto mong sana’y ginawa ko? Nagpakabulok dito? Nagbungkal ng lupa sa bukid hanggang masunog ng araw? Pumalaot sa dagat hanggang sa tubuan ng kaliskis at maging siyokoy?
ANDOY Alam mo kung ano ang dapat mong ginawa.
PIDO Buti ka pa alam mo. Samantalang ako, hindi.
ANDOY Marami’ng walang alam kung ano ang tungkulin nila sa bayang ito. Hindi ka kabilang sa kanila. Alam mo yan.
PIDO Ang mga may alam, nagmamaangmaangan.
ANDOY (Goes to the table and smashes the books away) Ano pa’ng saysay ng mga ‘to? Ano pa’ng silbi ng mga nasimulan ko? Putang-ina, wala! (Lifts the typewriter) At ito, wala na rin itong silbi! Kakalawangin lang din ito’t kakainin ng alikabok. Dahil wala ring silbi ang mga katagang nalilikha nito!
PIDO Matigas ang semento. Imposibleng mapapakinabangan pa ang makinilyang iyan kapag binagsak mo.
ANDOY (Defeated. Drops the typewriter on the table) Wala rin akong silbi… Wala. Isa na rin akong marmol.

PIDO reads a part of the poem posted at the wall.

PIDO “Wala akong maihahandog na isa mang salita sa inyo, kayong henerasyon ng mga panahong dumating. Wala akong palatandaang maibibigay, walang maituturo ang nag-aalinlangan kong daliri sapagkat paano maituturo ng isang tao ang daan kung siya mismo’y hindi naglakbay doon?”

ANDOY walks toward the board and tears the manila paper while reciting the continuation of the poem. He recites it with anger and fury.

ANDOY “Kaya ang magagawa ko lang, akong nag-aksaya ng buhay, ay sasabihin sa inyong huwag sumunod sa isa mang utos na nagmumula sa aming mga bulok na bunganga at huwag tumanggap ng payo mula sa mga nabago nang lubos, kundi gumawa ng sarili niyong pasya kung ano ang makakatulong sa inyo sa paglinang ng lupang hinayaan naming nakatiwangwang, at sa pagtiyak na ang mga lungsod na aming nilason ay magiging lugar na matitirhan ng tao…”
Huwag niyo akong sundan dahil wala akong pakinabang. (Falls on his knees while tearing the paper)

Silence. There is a long silence. Nothing could be heard except ANDOY’s heavy breathing.
ANDOY takes another cigarette. He looks for the lighter. He can’t find it.
PIDO picks up the lighter from the scattered books on the floor. He lights it up and lits ANDOY’s cigarette.

PIDO (Sits beside ANDOY) You know what, on my way here, Lola called me up to say something important.
ANDOY Puwede ba, huwag mo akong ini-inggles.

Beat.

PIDO Alam mo kung ano’ng sinabi niya sa ‘kin?

ANDOY is not interested.

PIDO (Takes a cigarette and lits it up through ANDOY’s) Good luck daw sa desisyon ko.
ANDOY Anong desisyon?
PIDO Desisyong tinalikuran ko noon. Binabalikan ko ngayon. Sabi ko sa ‘yo, babalik ako.
ANDOY Hindi ka bagay rito. Mangingitim ka. Susunugin ng araw ang iyong balat. Tatanda ka nang mabilis kagaya ko.
PIDO Walang anuman sa ‘kin.
ANDOY (Unimpressed) Huli na ang lahat. Suko na ‘ko.
PIDO Hindi pa. (Gets up and starts to pick up the books scattered on the floor. He arranges them on the table) Bukon pa’t urihi ang tanan. Pinaghandaan ko lang ang kinabukasan ko. Kinilala ko lang kung sino ako at kung ano talaga ang gusto ko. Pero hindi ko isinantabi ang dinidikta ng puso ko. Ikaw ang nagturo nu’n sa ‘kin.

Silence.
A group of students enter.

MGA ESTUDYANTE (After seeing PIDO) Ay, ogwa gali it bisita si Sir Ruiz. Pasensya na po. Halina kayo, bumalik na lang tayo mamaya. (Magbubulungan) Di ba, imaw ran si Wilfredo Espinosa, sikat ran nga theater actor, indi bala?
PIDO Sandali. Sandali. Mga miyembro ba kayo ng Teatro Marmol?
MGA ESTUDYANTE (Intimidated) Opo, sir.
PIDO Ogwa kamo it practice kadya?
MGA ESTUDYANTE (Surprised to learn that PIDO speaks Bisaya) Kaya gani kami nag-ayan odi para ma-usyan king madayon ang among praktis.
ANDOY Wala. Wala tayong praktis ngayon. Hindi na matutuloy ang pagtatanghal.
PIDO Huwag niyo siyang intindihan. Lasing lang si Mr. Ruiz. Ah, ganito na lang. Sa sabado, at pakisabi na rin sa iba niyo pang kasama, magkakaroon ang Teatro Marmol ng rehearsal dito.

The students get excited.

PIDO Pero ngayon, wala muna kayong ensayo. Siyanga pala, ako si Wilfredo Espinosa. Simula ngayon, regular niyo na akong makikita sa unibersidad na ‘to.

The STUDENTS whisper among themselves.

MGA ESTUDYANTE Pleased to meet you, sir.

The STUDENTS leave.

PIDO Huwag niyong kakalimutan. Sa Sabado!
ANDOY Mahilig ka talagang sumira ng plano.
PIDO Masyado kang madrama. Ang dami mong litanya. Hindi bagay sa ‘yo na maging sentimental.
ANDOY Linya ko yan. Ba’t mo inaagaw.
PIDO Hinihiram ko lang. Kaming mga artista, nanghihiram lang kami ng linya mula sa inyong mga manunulat. Kayo ang taga-likha ng mga diyalogong magsasabuhay sa amin sa entablado.
ANDOY Late na ‘ko sa klase ko. (Starts to fix his things)
PIDO Imbitado ka sa bahay mamaya. May pasalubong ako sa iyo- ang paborito mong Brandy saka imported na sigarilyo.
ANDOY Hindi na ako umiinom.
PIDO Tuturuan kita.
ANDOY Hindi na ako bata para turuan.
PIDO Yun naman pala eh. (Silence) Doy…
ANDOY doesn’t answer.

PIDO Tutulungan kita. Magtutulungan tayo. Naniniwala akong kaya natin.
ANDOY (Laughs) Paalam, Wilfredo Espinosa. See you in Chicago.
PIDO (Smiles) Iyot mo.

Before reaching the door, ANDOY falls to his knees, screaming.

PIDO Doy, anong nangyayari sa ‘yo?
ANDOY (He screams even louder) Ahh! Putang-ina. Yawa! (He holds his stomach) Sabi ko na sa ‘yo, suko na ‘ko. Ahh!… Lilipad ako sa Chicago sa susunod na linggo – ah! Ang sakit putang-ina – para sa operasyon ko. Sampung taon ko ng nilalabanan ang putang-inang kanser na ‘to. Ah… Hindi na ‘ko umaasa na gagaling pa ‘ko. Pero sabi ko sa ‘yo ayokong mamatay dito. Masyadong matakaw ang mga uod dito. Ayoko rito…Ah…Yawa! Yawa!

PIDO, startled, carries ANDOY. He doesn’t know what to do. Mixed emotions paint his face.

ANDOY Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang pagbabalik mo pero sana – kung maaari, ipagpatuloy mo’ng nasimulan ko. Wala akong mga tips na maibibigay. Bahala ka ng dumiskarte.

PIDO stares ANDOY blankly.
ANDOY’s scream starts to subside.
PIDO’s shoulders tremble. He starts to cry. He curses and wails as lights fade out on stage.

C U R T A I N