Tinanong ako ni Lalie, kasamahan ko sa trabaho, katabi ko rin, kung may journal daw ba ako. Kako, ano’ng klaseng journal? Online ba?
Hindi raw, yung diary daw. Yung nasa ledger o notebook. O kahit saan basta handwritten.
Sabi ko oo.
Naging interesado siya. Nasaan na raw.
Kako, nasa bahay. Ewan, nasa baul siguro. O nasa tambakan ng mga pinaglumaan kong gamit.
Sabi niya, kukunin niya raw.
Bakit? Nagtaka ako.
Puwede raw niyang kunin ‘yun. At pagkakitaan.
Kumunot ang noo ko.
Puwede raw yun.
Napatango ako ng ilang beses, padahan-dahan habang hawak-hawak ng kanan kong kamay ang aking baba.
Pagdating na pagdating ko mamaya sa bahay, kukunin ko ang natitira kong diary at susunugin.
Pero, saan naman ako puwedeng magsunog, eh walang space sa bahay. Baka magkaroon pa ng sunog.
Nakakabahala. Nakakapangamba. Nakakatakot.
Hindi pala ganun kadali magtapon ng alaala.
About Me
"Everyone suspects himself of at least one of the cardinal virtues, and this is mine: I am one of the honest people that I have ever known." - The Great GatsbyBlogroll
- Butch Dalisay Pinoy Penman
- Dean Alfar
- Gibbs Cadiz
- Glenn Mas Kinaray-a in America
- Ian Casocot
- Jessica Zafra
- Makoy
- Michael
- Pol
- Stacey Su The Tsinay In Her
-
Top Posts
-
Blog Stats
- 12,502 hits
journey of eros
Error: Twitter did not respond. Please wait a few minutes and refresh this page.
-
Recent Posts