
DVD
December 18, 2006Kahapon nagDVD hopping kami ni Eloi sa Quiapo at natuwa naman ako sa mg kopyang nakita at binili ko.
1. Little Miss Sunshine. Napanood ko na ito sa Glorietta noong Sabado pero dahil maganda, bumili ako ng sarili kong kopya at ipapanood sa mga kaibigan ko.
2. Mal Educacion. Last year, nakabili na rin ko ng kopya nito pero ipinanregalo ko sa kaopisina ko, kaya bumili ulit ako para sa sariling koleksyon.
3. Art School Confidential. Tungkol sa isang pintor na nais malaman kung ano talaga ang kahulugan ng Sining.
4. The Wind That Shakes the Barley. Winner ng Palmed’Or sa Cannes Festival ngayon taon. Napanood na namin ito ni Eloi sa Greenbelt last Cinemanila FilmFest. Muli, para sa sarili kong kolesyon.
5. Babel. Ipapalabas rin yata ito sa sinehan.
Ang hindi ko binili dahil hindi pa DVD copy. The History Boys. Adapted from the award-winning play with the same title.

Paano Kapag Minura Ka?
November 20, 2006Nagbukas ako ng gmail account kanina at nakita ko ‘tong chat transcript na to. Mga February last year yata ’to. Hindi ko na matandaan; ang natatandaan ko eh upset ako sa ibinalita niya sa kin.
Friend: hello
Ako: hi. musta?
Friend: ok lang. bc ka?
Ako: nope
Friend: ah, ok.
Ako: ano balita?
Friend: I just learned that me family affair pala kami sa March 4. One of our relatives na matagal na sa States will be coming home and she wants to gather the whole clan in preparation of her son who grew up in the States getting to be married here in the country so postponed yong lakad natin sa Quezon
Ako: aw sad
Friend: yap. nalungkot nga ako eh
Ako: i don’t know how to react
Friend: just take it easy bro. don’t cry ![]()
Ako: upset lang ako
Friend: ha?
Ako: i should learn how to react properly
Friend: oo nga. you should learn from me na medyo me pagkabato ang puso
Ako: haay..buti naman sinabi mo agad. para matigil na yung pang-aasam ko ![]()
Friend: oo naman. ayoko namang saka pa sabihin pag malapit na sinabi nga sa akin ng mother ko yesterday eh while I’m taking a bath. ang mama ko talaga mahilig akong kausapin pag naliligo ako eh malakas pa naman akong magbuhos kaya kailangang ipaulit ko pa
Ako: …
Friend: wala lang. I’m eating skyflakes right now kc medyo gutom na ako eh. what time ang coffee break nyo
Ako: kinain ng balita mo ang mga ideya ko
Friend: wag naman ganon
Ako: lumigwak sa sahig ang pang-aasam, tumilapon sa kawalan, pumaimbulog sa bangin, at ako, naiwang nakatulala
Friend: wow naman! writer talaga ikaw! sumulat ka kaya sa maalaala mo kaya kahit kathang-isip lang
Ako: nagmumura ka ba?
Friend: di ba me bayad yon. ano ka ba? di ko lang mapigilan na ma-appreciate ka
Ako: ang tanong ko eh kung nagmumura ka ba? kasali ba sa ekspresyon mo ang pagmumura
Friend: ha? hindi ako nagmumura
AKo: ano’ng sinasabi mo pag galit ka?
Friend: wala. tumatahimik ako.
AKo: pa’no pag minura ka? pero hindi talaga ikaw ang minumura. ekspresyon lang nung nagmumura ang magmura. pero ipinaparinig sa yo ang mura niya pano mo tinatanggap yon?
Friend: depende kung ka-close ko yong tao pag hindi eh medyo hindi na ako maglalapit sa kanya
AKo: still there?
Friend: yap. na-offline ka. na-disconnect?
Ako: ata. going back to the question.. what was your answer again?
Friend: depende kung ka-close ko yong tao. pag hindi eh medyo hindi na ako maglalapit sa kanya. ayoko ko kc sa mahilig magmura
Ako: putang-ina. o ano reaksyon mo?
Friend: ano ka ba? tumawa
Ako: funny
Friend: yeah
Ako: nakakatawa reaksyon mo. are you still with me, senor?
Friend: sandali lang po
Ako: tinatangay kasi ng kakaibang hangin ang katinuan ko
pasensya na
(After 18 minutes)
Ako: oi, nagalit ka ba?
(After 9 minutes)
Friend: hindi po. me pinapipirmahan lang po ako.
Ako: kala ko nagalit ka na
Friend: busy po ako ng konti. hindi ah
Ako: okay
(End of chat)

Maling Akala
November 16, 2006Hindi sana nangyari yun kung: a.) hindi ako nagshopping b.) pumunta ako ng maaga sa office para mapanood ang One Way Ticket to Mombasa c.) hindi ako nanood kundi natulog na lang muna d.) nagdinner sa baba pagkatapos makuha ang tiket para sa Russian Dolls.
Napatda ako.
Syet!

Bakeretta
November 16, 2006Dapat panoorin.
(Noni B., Mailes K. Irma A. and Ronie L.)
A co-production with the Japan Foundation and Sinag Arts Foundation, Bakeretta is a psychological thriller, somewhat in the tradition of Japanese horror films like Ring and The Grudge, but with a quirky, musical twist!
An amateur theater company rehearses a modern ghost (bake) story – “The Ghost in the Toilet” and the mounting pressures of opening night get mixed up with their personal dramas, comedies and horrors. The spine-tingling play within a play within a play is set to be directed by the playwright himself, multi-awarded screenwriter and one of Japan’s most exciting theater directors, Chong Wishing. BEWARE…DON’T OPEN THE TOILET DOOR!

Breakfast on Pluto vis-a-vis The Wind That Shakes the Barley
November 16, 2006Bida sa parehong pelikula si Celian Murphy. Isang British actor na puwede kong ihalintulad kay Gael Garcia Bernal. Same expressive eyes, same energy in acting.
Sa Breakfast on Pluto, isa siyang transvestite na naglayas at sumama sa banda. (Hindi ko na alam kung ano ang naging takbo ng istorya dahil hindi ko ito natapos panoorin.)
Isa naman siyang rebolusyonaryo sa pelikulang The Wind That Shakes…(nga pala, this film won the Palmed’Or prize in the recent Cannes Film Festival).

Simon
November 16, 2006The future doesn’t exist sabi ng anak ni Simon habang hinihintay nila ang euthanasia team na lalagot sa buhay ng ama niya. Kung escapist ang anak ni Simon, valid na rason para sabihing walang kuwenta ang nakaraan at ang hinaharap. Mas importante ang kasalukuyan. Parang sinasabi niyang, dapat i-treasure ang present moment at indahin ang hinaharap dahil sigurado, by that time, wala na ang tatay niya.
Isa ang pelikulang Simon sa Cine Europa 9 sa Shangrila Cineplex. Tungkol ito sa pagkakaibigan ng homosexual na si Camiel at ang barakong si Simon. Dahil sa di malamang dahilan, lumayo si Camiel kina Simon pero muli silang nagkita after 8 years. This time, dentist na si Camiel at me kinakasama ng lalaki, samantalang may cancer naman si Simon.
Sabi ng kasama kong nanood, si Aireen, hindi raw siya sangyaon sa ideyang kitlin ang hininga ng isang taong naghihirap. Ayos lang sa kin, kako, basta yung ideya ay galing mismo sa nahihirapan at hindi sa mga taong nahihirapan dun sa nahihirapan. Huh? Ang labo ano? Basta ganito lang kasimple ang gusto kong sabihin: Pabor ako sa euthanasia kung yung nahihirapan ang nagdesisyong kitlin ang buhay niya.

Quotable Quote
November 16, 2006Nang makita ko ‘tong quote na ‘to sa Bookstore ni National Artist for Literature F. Sionil Jose, ang Solidaridad sa Padre Faura, agad kong kinuha ang cell phone ko at kinopya habang tinatanong ko ang nagbabantay sa tindahan kung kelan sila ulit magkakaroon ng kopya ng librong hinahanap ko.
“Immature artists imitate. Mature artists steal.” – Erskine Caldwell
Kaninang umaga, pinorward ko iyon sa mga kaibigan ko. Si KG ang unang nagreply.
KG: “Baka amateur vs. professional. Hehehe.”
Ako: “Gud point. Sa palagay mu mature na ung nakaisip nun nang marealize nya un? Baka mas favored nya ung mga immature kc mdyo innocent pa ang pananaw nila. Ewan. (smiling face.)
KG: “Sbi nga s Gone With The Wind: Frankly my dear, I don’t give a damn. Hah! Ngmamaganda lng yn, kunwari my cnasabi ciang quoatable quote. “
Ako: “Hmm, weird. Sa Solidaridad ko nbasa ang quote na yan. Kng hndi c F. Sionil ang nagpaskil nun, yung katulong kaya nila? Hehe.”
KG: “It dsnt matter who posted it, or who wrote it. Kebs lng ako jan, sori. Idol mo c sir frank?”
Siguro nga, kanya-kanyang lang talagang opinyon yun, kagaya ng sabi ni Anna na gusto ang quote.

Regalo
November 12, 2006Nasasabik na ‘kong bumili ng dalawang libro. Bale, maagang pamasko ko ito sa aking sarili.
Una: Aklat Likhaan ng Dula 1997-2003. Mula sa blog ni Butch Dalisay: “A NEW anthology of plays has just been published by the University of the Philippines Press. Edited by playwright and Palanca Hall of Famer Rene Villanueva and performance poet Vim Nadera for the UP Institute of Creative Writing, Ang Aklat Likhaan ng Dula 1997-2003: Kapangahasan bilang Kaligtasan is the ICW’s second collection of recent and outstanding Filipino plays. Both established and new playwrights are represented in the book, including Teo Antonio, Nicolas Pichay, Chris Martinez, Jun Lana, and Allan Lopez.”
Pangalawa: Literotika. Mula sa Panitikan.com: “Sa Literotika, malayang inilalarawan sa wikang Filipino ang kulturang Pilipino, seks at lipunan. Matapang at lantarang hinuhubad para sa mambabasa ang iba’t ibang istorya ng bawat kasarian nang walang kimi at hiya para maipahayag ang tunay na pagnanasa ng ating katawan at isipan sa pamamagitan ng panitikan.”
Sana meron ng kopya sa Powerbooks o National Bookstore.
Katatapos ko lang basahin ang Bedtime Stories ni Rene Villanueva na koleksyon ng dulang may temang seksuwal. Hindi ko siya gaanong nagustuhan.

Quotes
November 12, 2006Siguro napansin din nila, yung mga may cell phone at kaibigan na matiyagang nagpo-forward ng quotes, na may bagong trend ngayon na quotes.
Ilang halimbawa:
“U nvr evn thnkd me 4 mkin u hpi den u throw me away juz lyk dt. I h8 u 4 usin me, 4 makin my lyf full of shit” – Tissue paper.
“Wala naman akong gnagawa sa kanya..hindi na nga ako gmagaglaw dito. Aku na yung natapakan siya pa ang galet.” – Tae
“hind lahat ng walang salawal ay bastos!” – Winnie the Pooh.
“U nvr knw wat u hav til u lose it…and once u lose it, u can nvr get it back!” – Snatcher
Kitam, ang gagaling hindi ba? Walang kacliche-cliche at talagang matutuwa ka kapag binasa mo. Sa una aakalain mong seryoso pero kapag nabasa mo na ang kicker, hayun mare-realize mo na totoo ang sinasabi ng quote at matutuwa ka sabay sabing “Oo nga no.”